Nakaka-miss pumasok sa school at balikan ang pagiging buhay estudyante
Nakaka-miss ang mga barkada na kasama mo sa lahat ng kalokohan
Kahit pa yung mga teachers na panay ang pahirap sa mga estudyante
Nakaka-miss yung panahon na naka-depende ka pa sa parents mo
Kahit kadalasan di kayo magkasundo at parati kayong nag aaway
Minsan, ang sarap balikan ng nakaraan...
Nakaka-bore pumasok sa office at payamanin ang mga walang kwentang kumpanya
Nakaka-inis kasama ang mga ka-opisina na walang alam gawin kundi mam-bwiset ng araw
Paulit-ulit lang naman araw araw, minsan tuloy pakiramdam mo no-bobo ka na
Isama mo pa ang walang katapusang work-load na kahit nakapikit e kayang kaya mong gawin
Minsan, kung babalik ka sa nakaraan, parang andami mo palang nakaligtaan
Ngayon, kung iisipin mo ang nangyayari, parang walang kwenta ang takbo ng oras
Sa huli, kung iisipin mo, kung ano ang pangit ngayon, nagiging maganda pag lumipas na
Package deal, ika nga nila...


No comments:
Post a Comment